hope you enjoy reading! - mae :)
RSS

Pages

Sep 23, 2007

After 8 hours of being on Plane

Sunday, September 23, 2007

We landed as early as 6AM and had regular checks here and there - grabe strict ng airport dito. After landing, we headed to get our bags. Before the bags immigration check muna. Na hold na naman ako sa immigration as expected. Actually lahat kami nahold, because the middle initial or middle name being not written in our VISA. Sabi nga ni Lyn, ung embassy naman ng OZ ang nagproprocess nun, bakit di pa nila lagyan. Anyway, it take us about 30 minutes or more para magantayan kaming lahat. When we're all done, we got our bags na. After that baggage checking naman. We need to declare whatever goods, foods, native stuff we have with us so they have to make kalkal of all the goods we have inside our bags. Hindi naman nila cinonfiscate ung mga dala namin, pinatuloy naman kami. So we're good. Finally nasa arrival na kami. Our driver was waiting for us that time. Sumakay kami sa parang coaster na inarkila ng hotel. Tapos un, hinatid kami sa Grand Chancellor Hotel. It was windy that morning, so it was fucking freezing. :) Punta kami sa reception - pero 2PM pa daw nagpapacheck-in so therefore we left our things lang tapos napagkaisahan na magbreakfast muna. Pero grabe naman, hinihingan kami ng hotel ng credit card or 100AUD for each room. Two rooms naka reserve samen so we have to raise 200AUD para pang deposit sa room na ibabalik daw once we check in at walang nawala sa room - parang collateral. Since wala kaming 100AUD or 200 to be exact, I gave my citibank credit card. Sabi frozen naman ung 200AUD na un until we check out. Sabi ko nga wala na kong credit sa credit card ko so kahit kaskasin nila un ng kaskasin tatalbog din un - so no worries at all with the card! :D It's all good naman. Collateral lang talaga un. Tapos un, umalis muna kami at iniwan namen gamit namen sa hotel. Haay, eto na ung adventure ng buhay ko sa Melbourne.
After leaving our things wala naman mashadong tao sa kalye so lakad lakad lang kami. Nagbreakfast kami sa hungry jacks - 4++AUD - medyo mahal pero sinobrahan ko na breakfast ko para di ako magutom masyado. My manager has a friend here na tinotour kami parati when we're here.. may Christian Service sya dito and was inviting us to come over kung kaya daw namen. Etong isa kong kasama lang naman may contact, so in short, napagkaisahan na since wala naman kaming mapuntahan, gora lang kami. So un, punta kami dun sa Caroline Springs chorva at hinanap namen ung christian service na un. pagpunta namen, puro mga pilipino - pero di naman lahat, nakaktuwa sila - kaso super borlog na talaga ko as in super pagod na pagod. Ung nagpunta kami sa ALIVE ALIVE, sorry but that's how easy it is to describe. pero ayos lang naman, it was intimate. di naman sya masyadong matagal. nakinig lang kami ng service sandali, kumanta tapos tinapos na ren namin ung service. after that, pinagcoffee naman kami. halo halo mga andun, me puti me black, pilipino at kana. me mga bata din. kapag weekend kasi late nagbubukas mga stores so dun na lang talaga namin naisipan pumunta. after that, pinag coffee kami nila, nagchika chika lang ng mga stories nila about staying here, and all. konting picture picture tapos tinreat na naman kami nung friend nung manager namen, this time for lunch naman. parang ang labas eh pumunta kami dun para magpalibre - hahaha. dahil wala kaming mga pera! wihihihi. tapos hinatid pa kami sa papunta sa hotel pabalik, wihihihi, kelangan namen kumapit sa patalim, wihihi. After we were dropped off, naka widraw ako ng money good for one week.
After checking in, we found out twin beds pala ung mga rooms, so myda decided to join misha then kaming dalawa ni lyn sa kwarto. I was so stressed and so sleepy, rested lang and watching TV while waiting for lyn to complete her bath. after nun naligo na ko, and nagpahinga. Wala kaming kahit ano sa room, meron kaming twin bed, a small ref na puno ng drinks, few chicha na patikim lang pero lahat un me bayad so hndi namen pwedeng galawin Ang tanging complimentary sa room eh kape na walang MILK, as in walang creamer na kasama. Walang microwave, walang plato, walang kutsra tinidor. Kaya etong si myda and lyn, pumunta sa baba (reception) to request - buti naman pinagbigyan kami so ayun, nakakuha kami ng microwave, plates and fork and knife - alang kutsara -- lahat nasa kwarto nila myda. At ayun po, nakatulog na ko - di na nagising.

0 comment(s):